Friday, December 13, 2019

Hindi Ko Maintindihan

By: The Forgiven Band

Isang makasalanan na nabuhay sa mundo
'Di alam patutunguhan
Sa buhay na ito
Magulong pamumuhay ang nakasanayan ko
Para bang magandang umaga'y
'Di na sisikat sayo

Ngunit nang si Hesus ay makilala
Ang buhay ko'y may patutunguhan na
Hiwaga ng pag-ibig Niya'y aking nadama
Kasalanan ko'y napatawad na
Bunga ng pag-ibig Niya

Hindi ko maintindihan
Ang pag-ibig Mong laan
Sa tulad kong basura lang
Sa banal Mong harapan
Tunay na kaybuti Mo Panginoon
'Di ka nagbabago
Dulot ng pag-ibig Mo
Ako ngayo'y umaawit Sayo
O Hesus kaybuti Mo
Sa tulad ko

Mula ng si Kristo sa puso ko'y naghari na
Bawat sikat ng umaga
Hatid anong saya
Kaya kaibigan kay Hesus lumapit ka
Magulo mong pamumuhay
Tiyak na babaguhin Niya

Pangako Niya ika'y pagpapalain
Kung sa puso mo Siya'y papasukin
Kabutihan Niya'y aking nadama
Ang puso ko'y namamangha
Sa pag-ibig Niyang dala

Hindi ko maintindihan
Ang pag-ibig Mong laan
Sa tulad kong basura lang
Sa banal Mong harapan
Tunay na kaybuti Mo Panginoon
Di ka nagbabago
Dulot ng pag-ibig Mo
Ako ngayo'y umaawit Sayo
O Hesus kayb uti Mo
Sa tulad..

Hindi ko maintindihan
Ang pag-ibig Mong laan
Sa tulad kong basura lang
Sa banal Mong harapan
Tunay na kaybuti Mo Panginoon
Di ka nagbabago
Dulot ng pag-ibig Mo
Ako ngayo'y umaawit Sayo
Hesus kaybuti Mo
Tunay na kaybuti Mo
O Hesus kaybuti Mo
Sa buhay ko

No comments:

Post a Comment